Buhay May-Asawa
Ang aking munting karanasan...
Noong bata pa ako minsan sabi ni Inay, anak "pag ikaw ang nag-kapamilya marara-nasan mo rin ang nararanasan ko ngayon", ito ang tugun ni Inay pag nagkaka-sakit ang aking mga kapatid, sa mura kung kaisipan di ko mawari kung anong ibig sabihin o ipahiwatig ni inay, sabi ko sa aking sarili di ko siguro mararanasan yan, dahil lalake ako.
Minsan kami'y umuwi kina lola at kinagabihan tulog na ang lahat at nagising kami sa lakas ng iyak ng aking bunsong kapatid, biglang nagsalita ang aking Tito. "Patahanin mo nga yan!", pina-tatahan niya kay Inay ang akin kapatid dahil nakaka-bulahaw at naka-kaabala daw sa aming pagtulog na sinang ayunan ko rin naman.
At narinig ko naman kay Inay ang mga katagang "pag ikaw ang nag-kapamilya mararanasan mu rin ang ganito" ito ang sambit niya kay tito at bigla na lang nana-himik ang aking Tito. Naisip ko na naman ang sabi ni Inay noon sa akin, sabi ko sa sarili ko ano kaya ang ibig sabihin ni inay?
Lumipas ang panahon nakapag-asawa at nagkaroon ako ng isang anak, pagbubuntis palang ng aking asawa ay nakaka-kaba na, nandiyan yung sumasakit ang tiyan niya at mayroon din pagkakataon na dinugo sya. Nang araw na ng panganganak niya at nasa delivery room na sya di kami mapakali ng aking Biyenan, naghihintay ng tawag sa mga nurse o sa kanyang doctor.
"Kung nakapanganak na ba siya o ano na ba ang nang-yayari sa kanyan". At lumipas ang ilang oras na paghihintay tinawag kami ng kanyang doctor at sinabing kailangan ma CS (Cesarean Section) ang aking asawa, dahil mahina daw ang pintig ng puso ng aking anak.
Bigla a kung nanghina at nanlamig ang buo kung katawan. Napakahirap pala ng ganitong sitwasyon, "sabi nga nila pag nanganganak ka eh kalahati ng iyong paa eh nasa hukay na". Habang nag-uusap kami ng kanyan doctor naririnig ko rin ang sigaw ng aking asawa na nag-hihirap sa panga-nganak at ito'y nagpa-dagdag pa ng kaba at tensyon sa akin at sa aking biyenan.
Tinanong ko ang doctor kung di naba pweding manganak ng normal delivery ang aking asawa? di na raw pwedi, dahil sa mahina ang pintig ng puso nang aking anak. Ayaw din daw bumaba ang tiyan ng aking Misis. Yan ang sambit niya, at may pina-pipirmahan pa siya sa akin na waiver. Dagli-daglihan kung pinirmahan ang waiver na alam kong magliligtas sa aking mag inay. Pero sa isang banda ay may dulut din na kapahamakan sa aking asawa.
Sa mga nakita at nabalitaan kung ikinalanta o ikinamatay nila dahil sa maling Inection, kumplikasyon or maling salin ng dugo. Di mu rin maaalis sa aking ang kabahan at mag-alinlangan dahil kung ano man ang mangyari sa kanya o sa aking anak ay walang panana-gutan ang Doctor at ang hospital.
Wala a kung magawa kung di sumang-ayon sa doctor, pagka-pirma ko ay dagli-dagling pumasok ang Doctor at narinig ko na naman ang boses ng aking asawa sa huling pag-kakataon at alam ko na hirap na hirap na sya sa panganganak.
Ginawa namin dagli-dagli rin kaming pumasok ng aking Biyenan sa kuwarto at nana-langin, at habang nana-nalangin kami biglang tumunog ang aking cell phone at di ko alintana kung sino man ang tuma-tawag sa mga oras na iyon, dahil mas binigyan ko ng pansin ang pagdarasal para maisalba ang aking mag-ina sa ano man kapa-hamakan.
Pagkatapos kung nag-dasal tumunog na naman ang aking cell phone, nalaman ko na lang na Biyenan kung lalake pala ang nasa kabilang linya at kinukumusta ang aking mag-Ina. Sa mga oras na yun ay wala pa kaming balita kung ano na ang kalagayan nila, sabi nga nila sa oras ng kagipitan una mong lalapitan ay ang AMANG DIYOS na makapanyarihan at tama nga sila.
Siya ang una kung tinawagan at nagdasal na sana malampasan ng aking asawa ang panganganak at sana maging ligtas silang dalawa. Sa awa ng DIYOS naka pag-luwal ng normal ang aking asawa at ito'y isang malusog na sangol na lalake, pinangalanan kung Joshua Reuben. Napa-kasarap pala ng paki-ramdam na maging isang tatay, walang katumbas ang saya na naramdaman ko ng mga sandaling iyon.
Tignan mo nga naman ang himala ng DIYOS, sa isang kumpas lang ng kanyang kamay ay naging normal ang panga-nganak ng aking asawa. Napaka-bait talaga ng DIYOS at ganyan niya tayo kamahal, di nya tayo pababa-yaan sa oras ng ating pangangay-langan.
Dalawang taon ang nakalipas biglang dinapuan nang karamdaman ang aking anak at di ko mawari kung saan nag-mula o saan niya na kuha ang sakit niyang yun, dahil wala naman kaming sakit na ganito. Dito ko naalala ang sinabi ni Inay sa akin noon na "darating din ang araw anak na mararanasan murin ang naranasan ko ngayon".
Heto pala ang sinasabi sa akin ni Inay, napakahirap pala ang sitwasyon na ganito. Na sa murang edad ng aking anak madapuan sya ng ganitong karamdaman na di ko maisip na mangyayari sa kanyan, dahil lahat nang makakabuti sa kanyan ay binibigay at ginagawa namin, kumpleto na man sya sa bitamina at bakuna.
Sa una di kami maka-paniwala at ayaw namin tanggapin mag-asawa ang sinapit ng aming pinakamamahal na anak, di talaga namin mawari saan nya nakuha ang sakit nya at bakit sya pa nag-kasakit nang ganito. Bilang isang magulang nakaka-antig at nakakadurog ng puso na makita mo ang anak mo na naghihirap sa ganitong klasing karamdaman, na wala ka man magawa para akuhin ang sakit na nararamdaman niya.
Kung pwedi lang na isalin ang sakit niya sa amin, ako na lang ang papasan ng pag-hihirap at iinum lahat ng mga gamot niya. Sino bang magulang na gustong makitang nag-hihirap ang kanilang mga anak? Wala!
Sabi nga ng matatanda, "makakabayad ka lang ng utang mo sa mga magulang mo pag nasa sitwasyon ka na nila, at yun ang pagkakaroon ng sariling pamilya". Tama nga sila. At sabi pa nila ibat ibang problema din ang mararanasan mo at parte ito ng buhay may asawa, kung di ka matatag sa ganitong mga pagsubok, baka bubuwal ka na lang bigla.
Buti na lang may nakakapitan at nalalapitan ako sa oras ng kagipitan at ito'y ang ating Panginoon DIYOS, aking mga magulang, kapatid, mga kaibigan at lalunglalu na ang aking mag Ina. Sa kanila lang ako humuhugot ng lakas nang loob para harapin at malampasan lahat ng pagsubok na ito at alam ko wala pa sa kalingkingan ang nararanasan ko ngayon sa mga naranasan o pinagdanan ng aking mga magulang.
Ang dalangin ko lang sa Maykapal na sana maging matatag kami at malampasan namin ang mga unus na darating pa sa aming buhay mag-asawa. Alam ko kaya namin mag-asawa ito sa tulong at sa gabay ng DIYOS na maykapal at nang aming mga magulang. Sabi nga nila habang may buhay me pag-asa at dapat wag makalimut sa maylalang sa atin, laging magmahalan at maging-matatag sa ano mang pagsubok na darating sa buhay may-asawa.
No comments:
Post a Comment